Flinex ni Angelica Yulo ang mga larawan niya kasama ang ilang malalapit na kaibigan habang nagbabakasyon sa Singapore.
Habang naka-Halloween outfit, ibinida ni Mommy Angge na isa sa mga pinuntahan nila ay ang sikat na Universal Studio Singapore.
"About last night," mababasa sa simpleng caption ng Facebook post, noong Biyernes, Nobyembre 1, Araw ng mga Patay.
Sey naman ng mga netizen ay deserve na deserve daw ni Mommy Angge ang ganitong klaseng bakasyon, lalo't kamakailan lamang ay nakasungkit ng gintong medalya ang anak na si Karl Eldrew Yulo sa 3rd JRC Artistic Gymnastic Stars Championships 2024 na ginanap sa Bangkok, Thailand.
Si Karl Eldrew ay namayagpag sa individual all-around event ng Junior’s Division para sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG), sa unang araw pa lang ng kompetisyon.
Matatandaang silver medal ang naiuwi ni Karl noong 2023 sa naturang torneo.
Buong pagmamalaki naman siyang pinuri at binati ng ina.
"You did it"
"Congratulations"
"Goodluck sa finals," mababasa sa simpleng caption ni Angelica, re-shared ang congratulatory post mula naman sa Gymnastics Association of the Philippines.
MAKI-BALITA: Angelica Yulo, proud sa anak niyang 'Golden Boy'