December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Bea Alonzo, 'short hair era' sa Halloween

Bea Alonzo, 'short hair era' sa Halloween
Photo Courtesy: Mark Kingson Qua (FB)

New look ang peg ni Kapuso star Bea Alonzo sa kasalukuyang ayos ng kaniyang buhok.

Sa Facebook post ng makeup artist na si Mark Kingson Qua nitong Biyernes, Nobyembre 1, makikita ang mga larawan ng “boy version” ni Bea, na nagsilbing peg niya para sa nagdaang Halloween.

Sa Instagram post naman ni Qua, may caption itong “Halloween things.”

Ayon sa caption ng post, si Jan Edrosolan ang nag-ayos sa buhok ni Bea. Samantalang si Leanne Ledesma naman ang nagsilbing stylist niya at si Mark naman ang nag-make up.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Paniguradong maninibago talaga at mamamalik-mata ang kung sinomang makakikita sa pictures ng aktres.

Ayon sa buradong post ni Bea, tila ang real-life murderer na si Lyle Menendez ang ini-impersonate niya sa larawan.

MAKI-BALITA: 'Nag-iisip ka ba?' Bea, sinita ng mga netizen dahil sa Halloween costume