November 23, 2024

Home BALITA National

Sen. Imee kay Marcos Sr.: ‘Your guiding hand on my shoulder will remain with me forever’

Sen. Imee kay Marcos Sr.: ‘Your guiding hand on my shoulder will remain with me forever’
(Photo courtesy: Sen. Imee Marcos/FB

Inalala ni Senador Imee Marcos ang kaniyang yumaong amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa paggunita ng Undas nitong Biyernes, Nobyembre 1.

Sa isang Facebook post, nagbahagi si Sen. Imee ng larawan kung saan makikitang nagtitirik siya ng kandila sa puntod ni Marcos Sr. sa libingan ng mga bayani.

“Your guiding hand on my shoulder will remain with me forever,” mensahe ng senadora sa kaniyang yumaong ama.

Nito lamang din namang Biyernes ng umaga nang magtungo rin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama si First Lady Imelda Marcos sa Libingan ng mga Bayani upang bisitahin ang puntod ng dating pangulo.

National

De Lima kay VP Sara: ‘Kung magnakaw wagas, kapag pinapaliwanag andaming hanash!’

MAKI-BALITA: PBBM, binisita kaniyang ama sa Libingan ng mga Bayani

Matatandaang noong Setyembre 28, 1989, nang pumanaw si Marcos Sr. sa Hawaii, kung saan siya pinatalsik at ipinatapon pagkatapos magpataw ng Martial Law sa Pilipinas.