December 09, 2024

Home BALITA National

Maynila, ‘most dangerous city’ sa buong Southeast Asia – Numbeo Crime Index

Maynila, ‘most dangerous city’ sa buong Southeast Asia – Numbeo Crime Index
Photo: Manila Public Information Office / MANILA BULLETIN

Lumabas sa bagong ulat ng Numbeo Crime Index na ang Maynila ang “most dangerous city” sa buong Southeast Asia, dahil dito umano ang may “pinakamalalang” naitalang mga kriminalidad.

Base sa datos ng Numbeo nitong 2024 Mid-Year, 64.2% ang crime index sa Maynila habang 35.8% lamang ang safety index nito.

Pumangalawa naman sa listahan ng Numbeo ang Kuala Lumpur, Malaysia na nakapagtala ng 61.2% crime index at 38.8% safety index, habang pumangatlo ang Jakarta, Indonesia 52.6% crime index at 47.4% safety index.

Samantala, kasama rin sa listahan ng mga nangunguna pagdating sa most dangerous cities ang Cebu na naging panglima matapos makapagtala ng 51.6% crime index at 48.4% safety index.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Pangwalo naman sa ranking ang Iloilo City na may 41.1% crime index at 58.9% safety index; pangsampu ang Makati City na may 38.7% crime index at 61.3% safety index, at pang-13 ang Davao City na nakapagtala ng 28.2% crime index at 71.8% safety index.

Photo: Numbeo Crime Index/website screengrab

KAUGNAY NA BALITA: Kriminalidad sa PH, bumaba sa 62% sa ilalim ng PBBM admin – Remulla