December 09, 2024

Home BALITA National

Kriminalidad sa PH, bumaba sa 62% sa ilalim ng PBBM admin – Remulla

Kriminalidad sa PH, bumaba sa 62% sa ilalim ng PBBM admin – Remulla
MULA SA KALIWA: Pangulong Bongbong Marcos, DILG Sec. Jonvic Remulla at dating Pangulong Rodrigo Duterte (Facebook; file photo)

Matapos ang naging pahayag kamakailan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, iginiit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na 62% ang ibinaba ng kriminalidad sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Oktubre 31, binanggit ni Remulla na base sa pinakabagong ulat ng Philippine National Police (PNP), 83,059 crime incidents ang naitala sa bansa mula Hulyo 1, 2022 hanggang Hulyo 28, 2024 o sa unang dalawang taon ng administrasyong Marcos, mas mababa kumpara sa 217,830 incidents ng kaparehong mga petsa mula 2016 hanggang 2018.

Dagdag pa ng DILG chief, tumaas ang crime clearance efficiency rate sa 27% at crime solution efficiency rate sa 10% ng PNP sa kaparehong mga taon.

“With this positive development, the DILG urges the PNP to continuously fulfil their sworn duties as vanguards of peace and order towards a safe and peaceful Bagong Pilipinas,” saad ni Remulla.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Matatandaang sa pagdinig ng Senado noong Lunes, Oktubre 28, sinabi ni Duterte na tumaas ang drug-related crimes sa administrasyon ni Marcos.

Samantala, ilang sandali matapos bitiwan ni Duterte ang nabanggit na pahayag, agad na umalma ang Malacañang at sinabing hindi umano totoo ang sinabi ng dating pangulo.

MAKI-BALITA: Malacañang, umalma sa pahayag ni Ex-Pres. Duterte na laganap pa rin kriminalidad sa PH