November 22, 2024

Home BALITA Metro

3 magkakamag-anak, patay sa sunog

3 magkakamag-anak, patay sa sunog
Photo courtesy: Freepik

Tatlong magkakamag-anak, na kinabibilangan ng dalawang menor de edad, ang namatay sa isang sunog na sumiklab sa kanilang tahanan sa Teresa, Rizal nabatid nitong Biyernes, Nobyembre 1.

Ang mga biktima ay kinilala lang na sina alyas 'Narciso,' nasa hustong gulang; at mga menor de edad na sina alyas 'Amber,' at 'Sky,' pawang residente ng Carissa Homes East 2, Barangay San Gabriel, sa Teresa.

Batay sa ulat ng Teresa Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-11:53 ng umaga nitong Huwebes, Oktubre 31, nang magsimulang sumiklab ang apoy sa tahanan ng mga biktima.

Sa bilis ng pagkalat ng apoy, hindi na nagawa ng mga biktima na makalabas ng bahay at nasawi sa sunog, na tumupok sa 'di pa batid na halaga ng mga ari-arian.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy na naapula dakong alas-12:32 ng tanghali.