November 05, 2024

Home BALITA National

Obispo sa mga Katoliko: Buhay ng mga santo, tularan

Obispo sa mga Katoliko: Buhay ng mga santo, tularan
photo courtesy: CBCP News

Pinaalalahanan ng isang obispo ng Simbahang Katolika ang mga mananampalataya na gamiting ehemplo ang mga Santo upang makapamuhay na naayon sa layunin ng Panginoon.

Ang paalala ay ginawa ni Antipolo Bishop Ruperto Santos kasunod sa paggunita ng All Saints' Dayssa Nobyembre 1 at All Souls' day sa Nobyembre 2, 2024.

Nagpahayag din ng pag-asa ang obispo na katulad ng mga santo ay pipiliin ng mga mananampalataya ang kabanalan sa kanilang pamumuhay kung saan nananatili ang pagpapakumbaba at pagpapahalaga sa pagdedebosyon at pagmamahal sa kapwa.

"All Saints' Day is a beautiful and holy celebration in the Catholic Church where we honor all the saints, both the canonized and the countless others who lived holy lives. We commemorate their faith, virtues, and the profound impact they've had on our spiritual journeys. This day calls us to remember these exemplary lives, reflect on their teachings, and relive their legacy through our own acts of faith. It's a time of joy and deep spiritual reflection, celebrating the communion of saints in Heaven, Let us recall their sacrifices and draw inspiration from their journey to guide our own. What can we learn from them? Let us embrace the theme of: living a holy life, loving unconditionally, and lighting the way for others." ayon sa pastoral letter ni Bishop Santos na ipinadala sa church-run Radio Veritas.

National

Rep. Paolo Duterte, ‘negatibo’ sa hair follicle drug test

Hinimok din ng Obispo ang mananampalataya na gamiting inspirasyon at pag-asa ang legasiya na iniwan ng mga santo sa pagharap sa anumang pagsubok sa buhay at maging daluyan ng pagmamahal ng panginoon sa kapwa.

Paalala pa niya sa mga mananampalataya na alalahanin at ipagdasal ang mga yumaong mahal sa buhay.

"As we commemorate All Saints’ Day, let us remember all those who have gone before us, reflect on their lives, and relive their legacy. Through living a holy life, loving unconditionally, and lighting the way for others, we continue the divine mission entrusted to us, drawing us even closer to the heart of Christ and becoming living testaments to God’s boundless love, May this All Saints' Day be a time of profound spiritual renewal for each of us," anang obispo.