November 22, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bianca pinabulaanang nagsasama, kasal sila ni Ruru

Bianca pinabulaanang nagsasama, kasal sila ni Ruru
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Bianca Umali (IG)

Tinuldukan na ni Kapuso star Bianca Umali ang lumulutang na espekulasyon tungkol sa kasal at pagsasama nila ng jowa niyang si Ruru Madrid sa iisang bubong.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Oktubre 29, inusisa ni Boy si Bianca tungkol sa nasabing bagay.

“Klaruhin natin,” ani Bianca. “Kami po ni Ruru ay, of course, we are on our  7th-year-of-the-relationship. Of course, our conversations are there.”

“Pero sa ngayon,” wika niya, “mina-maximize po namin ang aming individual careers. At oo, madali lang pong sabihin na handa na kaming magpakasal. Because in our hearts, we are really ready.

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, ayaw ng may kahati sa relasyon: 'Alam ko worth ko!'

Dagdag pa ng aktres: “Hindi pa po kami kasal. At definitely, hindi po kami magsasama nang hindi kami kasal.”

Pero bago pa man ito ay nauna na ring sinabi ni Bianca na wala raw sa isip nila ni Ruru na mag-live in dahil labag ito sa turo ng kanilang relihiyon.

MAKI-BALITA: 'Di aprub sa relihiyon: Pagli-live in, wala sa isip nina Bianca at Ruru

Matatandaang nagsimula ang intrigang ikakasal na at nagsasama na sina Ruru at Bianca nang tila madulas ang huli sa isang episode ng “It’s Showtime.”

MAKI-BALITA: Bianca Umali, nadulas; Ruru Madrid, nag-alok na ng kasal?