November 22, 2024

Home BALITA National

₱300M Ultra Lotto jackpot, nasolo ng Bulakenyo

₱300M Ultra Lotto jackpot, nasolo ng Bulakenyo
(unsplash)

Solong maiuuwi ng isang Bulakenyo ang tumataginting na mahigit ₱300 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola ng PCSO noong Linggo, Oktubre 27.

Matagumpay na nahulaan ng lone bettor ang winning combination na 07-24-13-16-10-02 kung kaya't napanalunan niya ang ₱321,384,493.20 na premyo. 

BASAHIN: Mahigit ₱300M Ultra Lotto jackpot, napanalunan na!

Sa ulat ng PCSO, nabili ang winning ticket sa isa sa lotto outlets sa San Jose del Monte, Bulacan. 

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Upang makubra ang premyo, kinakailangan lamang ng lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kaniyang lucky ticket at dalawang valid IDs.

Mayroon lamang namang isang taon ang lucky winner, mula sa petsa ng pagbola, upang kubrahin ang kaniyang premyo. Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon ay awtomatikong mapupunta sa kawanggawa.

Nagpaalala rin ang PCSO na alinsunod sa TRAIN Law, ang lahat ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax.