Lalo pang lumakas ang bagyong Leon at malapit na itong itaas sa “typhoon” category, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes, Oktubre 29.
Sa update ng PAGASA kaninang 5:00 ng umaga, huling namataan ang Severe Tropical Storm Leon 645 kilometro ang layo sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 135 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.
Nakataas sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
Luzon:
Batanes
Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Apayao
Kalinga
Abra
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Aurora
Northern portion ng Quezon kabilang na ang Polillo Islands (General Nakar, Infanta, Real)
Camarines Norte
Eastern portion ng Camarines Sur (Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, Tigaon, Calabanga, Saglay)
Catanduanes
Eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Tiwi, Malilipot, Malinao, Santo Domingo, Manito)
Northeastern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat)
Visayas:
Eastern portion ng Northern Samar (San Roque, Pambujan, Catubig, Laoang, Palapag, Gamay, Lapinig, Mapanas, Mondragon)
Northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo)
Ayon sa forecast track ng PAGASA, patuloy na kikilos ang bagyong Leon pa-west northwest ngayong Martes, at saka liliko pa-northwest bukas ng Miyerkules, Oktubre 30, hanggang sa mag-landfall ito sa eastern coast ng Taiwan sa Huwebes ng tanghali o gabi, Oktubre 31.
Inaasahang lalakas pa ang bagyo sa passage nito sa Philippine Sea at itataas sa “typhoon” category sa loob ng 12 oras. May malaki rin daw tsansang aabot ito sa “super typhoon” category sa oras ng closest approach nito sa Batanes.