December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz happy para kina Derek Ramsay, Ellen Adarna

Ogie Diaz happy para kina Derek Ramsay, Ellen Adarna
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Derek Ramsay (IG)

Natuwa ang showbiz insider na si Ogie Diaz para sa mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Oktubre 27, sinabi ni Ogie na masaya raw siya sa dalawa matapos maisilang ang kanilang baby.

MAKI-BALITA: Ellen Adarna, nanganak na!

Aniya, “We’re so happy for Derek and Ellen. Diyos ko, ayan na ‘yong kanilang pinakaaasam-asam.” 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I’m sure isa rin ‘yan sa mga mapapanood natin in the future kapag sila’y nag-IG-IG story na—’yong kanilang anak, ano,” dugtong pa ng showbiz insider.

Tanong naman ng co-host niyang si Mama Loi: “Ipapakita rin kaya agad, Nay, ‘yong face ng baby? Magpe-face reveal kaya?”

“Oo, ako feeling ko lang, ha, ‘yong bata kahit hindi ko pa nakikita ‘yong hitsura feeling ko may dalawang mata ‘yan,” pabirong tugon ni Ogie.

Matatandaang si Ogie ang isa sa mga nakakutob na buntis si Ellen matapos nitong makunan noong 2023.

MAKI-BALITA: Matapos makunan: Ellen Adarna, buntis na ulit?