November 23, 2024

Home BALITA National

‘Leon’ mas lumakas pa, ganap nang ‘severe tropical storm’

‘Leon’ mas lumakas pa, ganap nang ‘severe tropical storm’
Courtesy: PAGASA/FB

Mas lumakas pa ang bagyong Leon at itinaas na ito sa ‘severe tropical storm’ category, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng umaga ngayong Lunes, Oktubre 28.

Sa update ng PAGASA, huling namataan ang Severe Tropical Storm Leon 735 kilometro ang layo sa silangan ng Casiguran, Aurora o 780 kilometro ang layo sa silangan ng Echague, Isabela.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo pakanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Dahil dito, itinaas na ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Batanes

Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands

Isabela

Ilocos Norte

Abra

Apayao

Kalinga

Eastern portion ng Mountain Province (Natonin, Paracelis)

Eastern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista)

Eastern portion ng Quirino (Maddela)

Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)

Northern portion ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto)

Inaasahang lalakas pa ang bagyo sa passage nito sa Philippine Sea at aabot sa “typhoon” category sa loob ng 24 oras.

Dagdag ng PAGASA, malaki ang tsansang aabot sa “super typhoon” category ang bagyo sa paglapit nito sa Batanes.