November 23, 2024

Home BALITA National

‘Leon’ patuloy na kumikilos pakanluran sa PH Sea

‘Leon’ patuloy na kumikilos pakanluran sa PH Sea
Courtesy: PAGASA/FB

Patuloy na kumikilos ang bagyong Leon pakanluran sa Philippine Sea sa bilis na 30 kilometers per hour, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng umaga ngayong Linggo, Oktubre 27.

Sa update ng PAGASA, huling namataan ang Tropical Storm Leon 1,075 kilometro ang layo sa silangan ng Central Luzon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Dahil sa patuloy na pagkilos ng bagyo pakanluran kung saan medyo lumalapit ito sa kalupaan ng bansa, posibleng itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Cagayan Valley at northeastern portion ng Bicol Region mamayang gabi o bukas ng Lunes, Oktubre 28.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

“The highest Wind Signal which may be hoisted during the occurrence of LEON is Wind Signal No. 2, on how close the tropical cyclone will be during its north northwestward movement over the Philippine Sea,” anang PAGASA.

Samantala, inaasahang unti-unting lalakas ang bagyo sa susunod na 24 oras at posibleng itaas sa severe tropical storm category bukas ng Lunes, at sa typhoon category sa Martes, Oktubre 29.