October 24, 2024

Home SHOWBIZ

Donny Pangilinan, personal na naghatid ng relief goods

Donny Pangilinan, personal na naghatid  ng relief goods
Photo courtesy: Jonas Peradilla via Angat Buhay (FB)

Pinasalamatan ng Angat Buhay Foundation ang Kapamilya star na si Donny Pangilinan matapos niyang personal na ibigay ang kaniyang donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine, lalo na sa Bicol region.

"Heartfelt thanks to Donny Pangilinan for personally delivering relief goods at the Angat Buhay office! Maraming salamat sa walang sawang pakikipagbayanihan, Donny!" mababasa sa caption ng Facebook post ng Angat Buhay.

Si Donny ay isang Kakampink na tagasuporta ng kaniyang titong si Atty. Kiko Pangilinan, na naging runningmate ni dating Vice President Leni Robredo, nang tumakbo itong pangulo noong Mayo 2022 national elections.

Samantala, inihayag ng Angat Buhay ang tagumpay na paglikom nila ng inisyal na cash donations para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine, sa pakikipagtulungan nila sa Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership para mas mapabilis ang kanilang paggalaw patungo sa mga lugar na nangangailangan ng tulong.

Puro si Leni, Angat Buhay na lang! Mga kandidato, kinalampag ni Ogie sa pagtulong sa CamSur

MAKI-BALITA: Angat Buhay, Kaya Natin, nakalikom ng ₱4M sa loob ng 10 oras