January 22, 2025

Home BALITA National

VP Sara binanatan si Sec. Remulla na hindi raw alam ang batas

VP Sara binanatan si Sec. Remulla na hindi raw alam ang batas
photo courtesy: X, Sec. Boying Remulla/FB

Binanatan ni Vice President Sara Duterte si Justice Secretary Boying Remulla, matapos nitong sabihin na may nilabag sa revised penal code si Duterte nang sabihin niyang itatapon niya ang katawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa West Philippine Sea (WPS).

Matatandaang sa isang press conference noong Biyernes, Oktubre 18, isiniwalat ni Duterte na sinabihan umano niya si Senador Imee Marcos na itatapon niya ang katawan ng ama nilang si dating Pangulong Marcos Sr. sa WPS.

MAKI-BALITA: VP Sara, sinabihan si Sen. Imee na itatapon niya katawan ni Marcos Sr. sa West Philippine Sea

Noong Sabado, Oktubre 19, sinabi ni Remulla na nagulat siya sa mga binitiwang salita ni Duterte at may paglabag daw ito sa revised penal code.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“Desecration of the dead 'yan. May violation sa Revised Penal Code ‘yan,” anang DOJ chief sa kaniyang panayam sa DZRH.

BASAHIN: Banta ni VP Sara na itatapon mga labi ni Marcos Sr. sa WPS, labag sa batas – Remulla

At nitong Lunes, Oktubre 21, ipinahayag ni Remulla na pinag-aaralan nila ang umano'y legal consequences sa naturang pahayag ng bisre presidente. 

"It desecrates the memory of a person, it desecrates the peaceful state that he must be in, having already perished, to disturb the body and there are many other moral principles that are being violated, and we are looking at the legal aspects also," anang DOJ chief. "We're conducting a study."

Samantala, sa isang ambush interview nitong Martes, Oktubre 22, sinabi ni Duterte na ipagdasal daw ang Pilipinas dahil mayroon daw justice secretary na hindi raw alam ang batas.

"Ipagdasal natin ang Pilipinas dahil we have a Secretary of Justice na hindi alam ang batas. There is a big difference between talking about the desecration of a body and actually desecrating a body. Talking about desecration of the body is not about desecration of the dead," saad ng bise presidente nang dumalo siya sa 50th PH Business Conference and Expo sa Pasay. 

"Dapat sana siguro as a lawyer maintindihan niya 'yon kaagad. But apparently, sabi nga ng iba, 'pag mabilis ka meron talagang mga mabagal ang pickup," dagdag pa niya.