October 23, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

2nd batch ng official film entries sa MMFF 2024, pinangalanan na!

2nd batch ng official film entries sa MMFF 2024, pinangalanan na!
Photo Courtesy: MMFF (FB)

Pinangalanan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kalahok na pelikula para sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 sa kanilang official Facebook page nitong Martes, Oktubre 22.

Matapos ang masusing deliberasyon, narito ang 5 pang pelikula mula sa mga isinumiteng lahok na kokompleto sa nasabing film festival:

1. “Espantaho” ni Chito Roño na pagbibidahan nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino;

2. “Hold Me Close” ni Jason Paul Laxamana na pagbibidahan nina Carlo Aquino at Julia Barretto;

Pelikula

Nakanselang 'Lost Sabungeros,' ipapalabas na sa Pilipinas

3. “My Future You” ni Crisanto Aquino na pagbibidahan nina Seth Fedelin at Francine Diaz;

4. “Topakk” ni Richard Somes na pagbibidahan nina Julia Montes at Arjo Atayde; at

5. “Uninvited” ni Dan Villegas na pagbibidahan nina  Vilma Santos, Nadine Lustre, Aga Muhlach

Samantala, ang mga sumusunod naman ay nauna nang ianunsiyo noon pang Hulyo:

1. "And The Breadwinner Is..." ni Jun Robles Lana na pagbibidahan nina Vice Ganda at Eugene Domingo;

2. "Green Bones" ni Zig Dulay na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Dennis Trillo;

3. "Isang Himala" ni Pepe Diokno na pagbibidahan nina  Aicelle Santos at Bituin Escalante;

4. "The Kingdom" ni Michael Tuviera na pagbibidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual;

5. "Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital" ni Kerwin Go na pagbibidahan nina Enrique Gil at Jane De Leon.