October 21, 2024

Home BALITA

Doc Willie Ong, may deklarasyon sa lagay ng kalusugan

Doc Willie Ong, may deklarasyon sa lagay ng kalusugan

May bagong updates ang doktor, content creator, at senatorial aspirant na si Doc Willie Ong sa lagay ng kaniyang kalusugan.

Matatandaang may "sarcoma" si Ong at kasalukuyang nagpapagaling sa ibang bansa, subalit sa kabila nito, nag-file pa rin siya ng certificate of candidacy (COC) sa pagkasenador para sa 2025 midterm elections, sa pamamagitan ng misis na si Doc Liza Ong.

Ayon sa latest Facebook post ni Ong, makalipas ang dalawang buwan ay tila bumubuti na ang kaniyang kalagayan.

"Personal Sharing: Mahal kong followers, Halos 2 buwan na ang nakalipas, akala ko ay tapos na ang buhay ko. Ngayon, unti-unti na akong gumagaling. At lumiliwanag na ang plano ng Diyos sa buhay ko," aniya.

National

Banta ni VP Sara na itatapon mga labi ni Marcos Sr. sa WPS, labag sa batas – Remulla

MAKI-BALITA: Doc Willie Ong, tatakbong senador sa 2025 elections: 'This time we're gonna win this'

Sa panibagong yugto ng kaniyang buhay, alam daw ng doktor na may plano ang Diyos para sa kaniya.

"Lord, medyo mabigat lang itong pinapasan mo sa akin. Pero okay lang, kinaya ko naman at lalo pa akong lumakas. Buo ang tiwala ko sa plano mo sa akin at sa Pilipinas. Para sa kalusugan at mental health ng Pilipino."

Nag-iwan din siya ng mensahe sa lahat ng "kaibigan" o netizen na nakababasa ng kaniyang post. Hinikayat niya ang mga netizen na magtiwala lang sa kalooban ng Panginoon.

"Kaibigan, tandaan hindi ka habang-buhay luluha at malulungkot. Darating din ang ginhawa mo. At isang araw, maiintindihan mo ang dahilan ng iyong mga pagsubok."

"Magtiwala ka sa plano ng Diyos sa buhay mo. Ang trabaho lang natin sa mundo ay magmahal, tumulong sa kapwa at magpatawad," pagtatapos niya.

Hindi ito ang unang beses na nagbigay ng update si Ong na bumubuti na ang kaniyang lagay. 

Kamakailan, ibinalita rin niya sa publiko na lumiit na ang kaniyang sarcoma, bagay na isang magandang senyales para sa kaniya. 

MAKI-BALITA: 'It's really a miracle!' Doc Willie Ong, bumubuti ang kalagayan?

MAKI-BALITA: Doc Willie Ong, nadadagdagan na ang timbang!