October 22, 2024

Home SHOWBIZ

Awra Briguela, bumalik sa pag-aaral dahil kay Vice Ganda

Awra Briguela, bumalik sa pag-aaral dahil kay Vice Ganda
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN It's Showtime (YT)

Inamin ng komedyanteng si Awra Briguela na si Unkabogable Star Vice Ganda raw ang isa sa mga malaking parte kung bakit siya bumalik sa pag-aaral.

Sa latest episode ng “It’s Showtime” nitong Lunes, Oktubre 21, nagbigay ng pananalita si Awra matapos ang kanilang performance sa “Magpasikat 2024” na bahagi ng 15th anniversary celebration ng noontime show.

“Thank you so much, Meme. Ikaw din ‘yong isa sa naging malaking parte kung bakit ako bumalik sa pag-aaral. Kasi sa kaniya ko lang po narinig ‘yong salitang ‘I believe in you,’” lahad ni Awra.

“So, talagang pinush ko po talaga. And this time po, I’m doing really really better from myself this time,” wika niya.

Liam Payne positibo, nakitaan ng 'multiple drugs' sa autopsy

Dagdag pa ng komedyante: “Gusto ko pong bumawi talaga sa sarili ko; sa mga bagay na hindi ko deserve. And this time, ayaw ko na pong ma-disappoint ‘yong mga taong totoong nagtitiwala at nagmamahal sa akin.”

Kaya naman sobrang hopeful daw ngayon si Awra. Punong-puno rin daw siya ng love at peace. 

Sa kasalukuyan, nag-aaral na si Awra sa University of the East-Manila. Kamakailan nga ay todo-flex pa siya ng kaniyang buhay-kolehiyo.

Pero bago pa man ito ay nakatanggap ng diskriminasyon online si Awra matapos niyang ibahagi ang mga larawan niya suot ang paldang uniporme. 

MAKI-BALITA: Awra, pinangalandakan buhay-kolehiyo: 'Here's to romanticizing uni life!'

Ngunit ipinagtanggol naman si Awra ng student council ng nasabing pamantasan mula sa mga hindi magagandang komento.

MAKI-BALITA: UE Student Council, dinepensahan si Awra sa isyu ng female school uniform

Kaya naman, todo-pasasalamat si Vice sa ipinakitang suporta ng mga lider-estudyante sa kaniyang anak-anakan.

“Sobrang supportive ng UE community na magpasuot ng uniform na pinipili ng estudyante base sa kanilang gender identity. UE is very progressive. Thank you very much,” sey ng Unkabogable Star.

Matatandaang minsang nasangkot si Awra sa rambulan sa isang bar noon. Pero sa isang vlog kasama si Vice ay inamin niya ang nagawang pagkakamali.

MAKI-BALITA: Awra ‘nadurog’ sa kinasangkutang rambulan sa bar: ‘I’m getting better!’