October 21, 2024

Home BALITA National

VP Sara, nagsimba at foodtrip sa Baclaran

VP Sara, nagsimba at foodtrip sa Baclaran
Courtesy: Baclaran Tourism Official/FB

Nagtungo si Vice President Sara Duterte sa Baclaran sa Parañaque City para daw magsimba sa Our Lady of Perpetual Help Church at saka mag-food trip.

Sa isang Facebook post noong Biyernes, Oktubre 18, nagbahagi ang Baclaran Tourism Official ng ilang mga larawan ni Duterte kung saan makikitang namimili siya ng street foods.

Mayroon ding ilang mga indibidwal sa lugar na makikitang nagpa-picture sa bise presidente.

“VP Inday Sara Duterte bumisita sa BRGY. BACLARAN, namamasyal, nag foodtrip at nag simba sa Baclaran Church,” caption ng Baclaran Tourism sa kanilang post.

National

Chinkee Tan, nagsalita sa isyung nakulong siya dahil sa crypto scam

Ang naturang pagbisita ni Duterte ay nangyari matapos ang isinagawang press conference kung saan pinatutsadahan niya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, may listahan daw ng ‘5 impeachable offenses’ ni PBBM

Bagama’t noong Biyernes pa inilabas ang nasabing mga larawan, ngayon ito kumalat sa social media.