October 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Lorna Tolentino, Lito Lapid magkarelasyon na?

Lorna Tolentino, Lito Lapid magkarelasyon na?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Kasalukuyan umanong nali-link ang batikang aktres na si Lorna Tolentino sa “FPJ’s Batang Quiapo” co-star niyang si Senator Lito Lapid.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Sabado, Oktubre 19, inusisa ni showbiz insider Ogie Diaz kung totoo ba talagang magkasintahan na ang dalawa.

“Hindi ko alam kung magandang balita ito o ikaka-shock nila tungkol kay Lorna Tolentino. Gaano katotoo na itong si Lorna Tolentino at si Pinuno Lito Lapid ay magkasintahan na?” saad ni Ogie.

Sa isang video clip na itinampok sa nasabing showbiz-oriented vlog, napansin ng isang interviewer na tila blooming daw si Lorna.

Tsika at Intriga

Heart Evangelista, nagsalita na sa 'hidwaan' nila ni Pia Wurtzbach

Kaya tanong nito: “In love ba?”

“I love myself,” sagot lang ni Lorna.

“Kasi ang pagkakaalam ng lahat, kahit hanggang kamatayan e talagang si Da Boy Rudy Fernandez pa rin ang nag-iisa lang si puso ni Ms. LT,” wika ni Ogie.

Matatandaang bukod kay Coco Martin at sa mga nagiging leading lady nito sa “Batang Quiapo” ay naghahatid din ng kilig sina Lito at Lorna sa nasabing serye lalo na nang magkaroon sila ng kissing scene.

In fact, nagkaroon na sila ng love team sa serye at tinawag pa nga itong “PriManda.” Kombinasyon ng pangalan ng ginagampanan nilang karakter na sina Primo at Amanda.

MAKI-BALITA: LT, Sen. Lito di nagpakabog sa higupan nina Coco, Ivana

Pero sa isang bahagi ng vlog, naungkat ng co-host ni Ogie na si Mrena ang tungkol sa misis ni Lito na si Marissa Tadeo.

Si Marissa ay ang ina ng mga anak niyang sina Mitzi Karen, Maan Kakta, Maynard at Mark—na kasama rin ni Lito sa “Batang Quiapo.”

“Kuya ‘di ba may asawa si Lito Lapid?” usisa ni Mrena.

“Naku, alam mo sorry, ha,” tugon ni Ogie. “Wala akong alam kung si Senator Lito Lapid pa rin at ‘yong mommy pa rin ni Mark Lapid.”

“Feeling ko naman, hindi naman susuot si Ms. LT sa isang relasyon na alam niyang may sabit. At hindi rin naman susuong si Senator Lito Lapid kung alam niyang may relasyon pa siya,” dugtong pa niya.

Nabanggit pa ni Ogie na nakarating pa sa kaniya, na nagka-developan umano ang dalawa noon pang “FPJ’s Batang Quiapo,” bagama’t hindi naman sila nagkaroon ng mga eksenang magkasama sa nabanggit na serye. 

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag sina Lorna at Lito sa nasabing tsika ni Ogie.