May 14, 2026

Home BALITA Politics

Ilang netizens, nananawagang sibakin sa pwesto si SILG Remulla!

Ilang netizens, nananawagang sibakin sa pwesto si SILG Remulla!
Phooto courtesy: Contributed photo

Umani ng batikos online si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla matapos kwestiyunin ng ilang netizens ang umano’y kabiguan niyang maaresto ang ilang personalidad na may kinahaharap na kaso at warrant, kabilang si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa social media, naging laman ng diskusyon ang umano’y kakulangan ng aksyon laban kina Dela Rosa, dating presidential spokesperson Harry Roque, at iba pang personalidad gaya nina Zaldy Co at Atong Ang.

Partikular na binigyang-diin ng ilang netizens ang usapin kay Dela Rosa, na matagal nang iniuugnay sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Dahil dito, may ilang netizens na nanawagang papanagutin si Remulla bilang hepe ng DILG.

“Bakit parang piling tao lang ang kayang habulin ng gobyerno?”

Politics

'God does not doubt me!' SP Cayetano, may talak sa bashers ng liderato niya

“Kung ordinaryong mamamayan ‘yan, baka matagal nang naaresto.”

“Nasaan na ang hustisya at equal application of the law?”

“Dapat ipaliwanag ng DILG kung bakit tila walang aksyon.”

“Ang bilis sa iba pero bakit hirap kay Bato?”

“Kung may warrant, bakit hindi maipatupad agad?”

“Hindi dapat namimili ang batas.”

“Nakakadismaya ang nangyayari.”

“Public officials should be accountable no matter who they are.”

“Kung hindi kayang ipatupad ang batas nang patas, dapat may managot.”

“Mas lumalala ang distrust ng tao sa gobyerno.”

“Hindi dapat exempted ang mga makapangyarihan.”

Muling bumalik si Dela Rosa sa Senado matapos ang ilan buwan niyang pagliban—sakto sa botohan ng mga senador upang patalsikin ang liderato ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III, bilang Senate President.

Kabilang si Dela Rosa sa minorya at Duterte block na sumang-ayong iluklok si Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong Pangulo ng Senado—ilang oras bago naman ang inaasahang botohan ng House of Representatives upang ma-impeach si Vice President Sara Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: 'Hinarang ako!' Sen. Bato, galit na sumulpot sa Senado

Sa ngayon, wala pang opisyal na tugon mula kay Remulla kaugnay sa panawagang sibakin siya sa puwesto at sa mga batikos na umiikot online.