October 21, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kris, ikakasal na nga ba talaga sa jowang doktor?

Kris, ikakasal na nga ba talaga sa jowang doktor?
Photo Courtesy: Kris Aquino (IG)

Tila ipinahiwatig ni Queen of All Media Kris Aquino ang mangyayaring kasalan sa pagitan nila ng jowa niyang doktor na si Dr. Michael Padlan.

Sa latest Instagram post ni Kris nitong Linggo, Oktubre 20, makikita sa huling bahagi ng health update niya ang tungkol sa “small wedding” na gaganapin.

Ayon sa Queen of All Media, “Apologies, but until my groom and i exchange vows, in that very small wedding (but surely not held outdoors) I'm choosing to keep my relationship private.”

“Ibalato nyo na sa kin yun. Invited naman kayong lahat if and when sa kasal,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Alyssa Valdez sa love life: 'It should be inspiring!'

Samantala, sa unang bahagi ng post ay binanggit ni Kris na sumailalim daw siya sa napakaraming pagsusuri kabilang na ang PET scan.

Sa awa naman ng Diyos, natuklasang cancer free na siya ngunit aminado siyang may kinatatakutan pa rin dahil sa posibleng 6 na autoimmune disease na mayroon siya.

“The scary part is that 3 of the diagnosed ones are life-threatening in other words- pwedeng ma-damage my vital organs or my blood vessels, specifically, my artery connecting my lungs to my heart to the extent na I can die immediately from a stroke or aneurysm or cardiac arrest,” saad ni Kris.

Ngunit tulad nga ng ipinangako niya sa sarili, hindi raw siya susuko. Tuloy ang laban!

Matatandaang inamin ni Kris ang tungkol sa bago niyang karelasyon nang kapanayamin siya ni Ogie sa vlog nitong “Ogie Diaz Inspires” noong Hunyo.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, may karelasyong doktor sa Pilipinas

Ilang buwan matapos nito ay lumutang ang tsika na kasal na raw si Kris sa jowang doktor ngunit pinabulaanan niya ito sa pamamagitan ng kaibigan niyang journalist na si Dindo Balares.

MAKI-BALITA: Private outdoor pa raw! Kris Aquino, ikinasal na sa non-showbiz boyfriend?