May 22, 2026

Home SHOWBIZ

'I love PH, but our government is a joke!' Bea Borres, pagod na sa politika ng bansa

'I love PH, but our government is a joke!' Bea Borres, pagod na sa politika ng bansa
Photo courtesy: Bea Borres (FB)

Nagsalita ang social media personality na si Bea Borres tungkol sa tila pagkaramdam niya ng kawalan ng pag-asa para sa Pilipinas. 

Ayon sa naging pahayag ni Bea sa kaniyang Facebook post noong Huwebes, Mayo 14, 2026, sinabi niyang naubusan na raw siya ng pag-asa sa bansa matapos ang matagal na niyang paggamit sa kaniyang platforms sa social media para magsalita laban sa korapsyon.

“After using my platforms to speak up against corruption, I'm sorry but I have lost hope in our country,” pagsisimula niya. 

Ani Bea, sila na lang daw na taumbayan ang mawawalan ng gana sa realidad na walang napapanagot sa korapsyon. 

“I've been speaking up against corruption in our country ever since before, but ikaw nalang talaga mawawalan ng gana because the reality is, no one is being held accountable,” aniya. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Pagkukuwento niya, may pagkakataon pa nga raw noon na kinailangan pa niyang mag-hire ng bodyguard dahil sa natanggap niyang pagbabanta sa kaniyang buhay dahil lang sa paglalabas niya ng kaniyang opinyon.

“It also puts my life at risk. I remember wanting to hire a bodyguard because I got death threats just for speaking up about my opinions,” ‘ika niya. 

Anang social media personality, mahal niya raw ang bansa ngunit tila malinaw raw na isang “joke” ang gobyerno ng Pilipinas. 

“I love the Philippines, but our government is a joke. No matter how much y’all cancel these nepo babies online, their lives still go on. so dont cancel just because I follow them. I've honestly lost hope in our country because of the government,” diin niya. 

Pagpapatuloy ni Bea, ang ironic daw na wala pa ring napapanagot sa korapsyon kahit anong iiyak ng publiko para sa mabuting pamumuno.

“Like what I always say, the Philippines is a democracy and we’re the ones who put these politicians in power, but it’s so ironic because no matter how much we cry out for better governance, none of them are being held accountable,” buwelta niya.

“Nakakawala ng gana, diba?” pagtatapos pa ni Bea. 

Matatandaang tila naging mainit ang mga kaganapan sa gobyerno, partikular sa Senado, nang tangkaing silbihan ng mga awtoridad ng arrest warrant na mula sa International Criminal Court (ICC) si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. 

Noong gabi ng Miyerkules, Mayo 13, ginulantang ng magkakasunod na putok ng baril ang publiko at media sa loob ng Senado mula sa mga opisyal ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) at National Bureau of Investigation (NBI). 

Dahilan ito para matagumpay na makaalis na si Dela Rosa sa Senado at iwaksi ang kaniyang sarili mula sa pagtiklo sa kaniya ng mga awtoridad. 

KAUGNAY NA BALITA: SP Cayetano sa pag-alis ni Sen. Dela Rosa sa Senado: 'There's no warrant. He's free to go'

KAUGNAY NA BALITA: ‘Anong nangyayari sa Pilipinas?’ Kim Chiu, bumoses sa kaguluhan sa Senado