Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental dakong 12:44 ng tanghali nitong Linggo, Oktubre 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 478 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 89 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Ngunit posible raw na magdulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.