October 20, 2024

Home BALITA National

Chel Diokno, nagbabala vs. ‘scammer’ na ginagamit pangalan niya

Chel Diokno, nagbabala vs. ‘scammer’ na ginagamit pangalan niya
Atty. Chel Diokno (MB file photo)

Nagbabala si human rights lawyer Atty. Chel Diokno sa publiko laban sa kumakalat na Facebook account na nagpapanggap bilang siya.

Sa isang Facebook post nitong Linggo, Oktubre 20, inilakip ni Diokno ang isang screenshot ng pag-message ng isang pekeng account kung saan nanghihingi ito ng phone number ng isang Facebook user para umano sa libreng load.

“SCAM ALERT! May kumakalat na pekeng Facebook account na nagpapanggap na ako. Ang modus nila, nag-aalok ng ‘free load’ kapalit ng inyong mobile number. Huwag kayong maniwala!” ani Diokno sa kaniyang post.

Ibinahagi rin ng human rights lawyer ang link ng naturang pekeng account:

National

Chinkee Tan, nagsalita sa isyung nakulong siya dahil sa crypto scam

“Kailanman, hinding-hindi ako hihingi ng kahit anong personal na impormasyon mula sa inyo — hindi phone number, hindi pera!” saad ni Diokno.