October 19, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Misis aksidenteng nalunok wedding ring matapos uminom ng vitamins

Misis aksidenteng nalunok wedding ring matapos uminom ng vitamins
Photo courtesy: Pexels/Screenshot from Saksi (GMA Integrated News)

Isang bagong kasal na misis ang itinakbo sa ospital matapos niyang aksidenteng malunok ang kaniyang hinubad na wedding ring, na nasama raw sa mga ininom niyang vitamins.

Sa ulat ng Saksi ng GMA Integrated News, itinakbo sa ospital sa Phuket, Thailand ang Pilipinang misis matapos nga niyang malunok nang di-sinasadya ang wedding ring, na hindi niya napansing nakasama sa tableta ng mga bitaminang ininom niya.

Tinanggal daw kasi ng misis ang singsing bago maligo at hindi napansing humalo na pala sa mga bitamina niya.

Kitang-kita naman sa X-ray ng puso ng babae ang singsing na nasa bandang puso niya. Inabot pa raw ng dalawang araw bago sila komunsulta sa espesyalista, bago nila natuklasan kung nasaan ang wedding ring.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit nararanasan na rin ang pag-ulan ng yelo sa Pinas?

Natawa lang daw ang mag-asawa sa nangyari, at ayon naman sa manggagamot, mailalabas niya ang kaniyang singsing kapag siya dumumi.