October 20, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Lovi, na-inspire maging producer dahil kina Coco at FPJ

Lovi, na-inspire maging producer dahil kina Coco at FPJ
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz (YT)

Ibinahagi ni “Supreme Actress” Lovi Poe kung paano siya naimpluwensiyahan ng ama niyang si Da King Fernando Poe, Jr. at ni Primetime King Coco Martin sa pagiging producer.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, sinabi ni Lovi na sa tatay niya raw nakita ang pagpo-produce ng sarili nitong kuwento. 

“Actually, madami, e. Siguro isa na do’n ang dad ko. Of course, sa kaniya ko nakita na he would produce his own stories. Kasi nga, marami siguro siyang ideas na gustong i-execute,” lahad ni Lovi.

“At isa na rin siyempre si Coco. Kasama ko siya sa ‘Batang Quiapo.’ Pinapanood ko siya kung paano niya i-handle lahat. He’s wearing so many hats. Siya ‘yong actor, director, writer, producer. And nakaka-inspire,” wika pa niya.

Pelikula

2 aktres na bet makaeksena ni Marian, pinangalanan: 'Sila ang kontrabida'

Kaya naman, hindi raw maiwasang usisain ng aktres si Coco kung natutulog pa ba ito dahil sa dami ng ginagampanang gawain.

“Siguro one time I saw him. Papunta kaming Milan yata ‘yo’n. May ASAP Milan kami. Tapos nakita ko siya nasa couch, nasa lounge kami naka-gano’n [nakahilig ang ulo],” lahad ni Lovi.

“Tapos sabi ko, ‘ay wow! Natutulog din pala siya.’ Ta’s bigla siyang ‘Lovi, tingnan mo ‘to.’ Nanonood pala siya ng playback ng ‘Batang Quiapo.’ Nag-eedit pa siya ng mga susunod na gagawin namin,” aniya.

Dagdag pa ng aktres: “Nakakatuwa. [...] Sobrang hands-on.”

Matatandaang sa isang panayam ni Coco ay ibinahagi niya kung bakit tila hindi siya napapagod sa ginagawa niyang trabaho.

MAKI-BALITA: Coco Martin, ibinahagi ang dahilan kung bakit hindi napapagod sa trabaho

Sa kasalukuyan, mapapanood na sa mga sinehan sa bansa ang bagong pelikula ni Lovi na “Guilty Pleasure” kung saan bukod sa siya na ang bida ay siya rin ang producer.