October 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ina ng anak ni Liam Payne nanawagan sa media: 'Please give Liam little dignity…’

Ina ng anak ni Liam Payne nanawagan sa media: 'Please give Liam little dignity…’
Photo courtesy: Cheryl Cole/Instagram

Nagsalita na ang TV personality na si Cheryl Cole, ina ng pitong taong anak ni Liam Payne, hinggil sa mga kumakalat umanong balita sa pagpanaw ng ama ng kaniyang anak.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post nitong Biyernes, Oktubre 19, 2024, kalakip ng isang larawan ni Liam kasama ang anak ni Bear, pormal nang nagbigay ng pahayag si Cheryl.

“I'd like to kindly remind everyone that we have lost a human being,” saad ni Cole.

Iginiit niya rin kung sino ang isang Liam Payne para sa kaniyang mga naulila.

Tsika at Intriga

McCoy De Leon, may babaeng palihim na kinikita?

“Liam was not only a pop star and celebrity, he was a son, a brother, an uncle, a dear friend and a father to our 7 year old son. A son that now has to face the reality of never seeing his father again,” ani Cole.

Hinggil naman sa mga umano’y balitang kumakalat tungkol sa mga detalye sa pagkamatay ni Liam, inalala naman ni Cole kung paano raw ito makakarating sa kanilang anak, balang araw.

“What is troubling my spirit the most is that one day Bear will have access to the abhorrent reports and media exploitation we have seen in the past two days.”

Dagdag pa niya, tila hindi niya raw kayang maprotektahan ang anak kontra sa mga bali-balitang kumakalat ngayon sa social media kung saan nakakaladkad ang pangalan ni Liam.

“It is breaking my heart that I cannot protect him from that in his future.”

Tila may hamon din si Cole sa mga nagpapakalat umano ng mga gawa-gawang videos tungkol kay Liam.

“Before you leave comments or make videos, ask yourself if you would like your own child or family to read them,” saad ni Cole.

Kasunod ng pagkalat ng balita sa biglaang pagpanaw ng British singer, ilang mga larawan, videos at ulat ang nagdidiin kay Liam sa umano’y paggamit daw ng ilegal na droga sa huling sandali niya bago tuluyang mahulog sa tinutuluyang hotel sa Argentina.

KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne, nasa ilalim umano ng impluwensya ng illegal drugs bago pumanaw?

Sa huli, nanawagan siyang bigyan umano ng dignidad si Liam na makatagpo na umano ng kapayapaan sa pagkamatay niya.

"Please give Liam the little dignity he has left in the wake of his death to rest on some peace at last."

Matatandaang taong 2016 din ng maisapubliko ang pagkakaroon ng romantic interest ni Liam sa TV personality na si Cheryl Cole at 2017 naman nang magkaroon sila ng anak at 2018 nang inanunsyo nila ang hiwalayan.

KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Ang karera ni Liam Payne sa One Direction at bilang solo artist

Kate Garcia