October 19, 2024

Home BALITA National

Dante Marcoleta, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

Dante Marcoleta, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga
(Photo courtesy: Cong. Dante Marcoleta/FB)

Binisita ni senatorial aspirant at Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta si dating Vice President Leni Robredo sa Naga City.

Sa isang Facebook post nitong Sabado, Oktubre 19, nagbahagi si Marcoleta ng ilang mga larawan nila ni Robredo.

“Cong. Dante Marcoleta, binisita si former VP Leni Robredo nung siya ay nagawi sa Naga City, Camarines Sur,” nakasaad sa naturang post ng opisyal na page ng kongresista.

Kilala si Marcoleta bilang kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Vice President Sara Duterte.

National

Ex-Pres. Duterte, handa raw dumalo sa pagdinig hinggil sa drug war: ‘Hindi ako aatras!’

Samantala, kamakailan lamang ay naghain si Marcoleta ng kaniyang certificate of candidacy (COC) sa pagkasenador para sa 2025 midterm elections.

MAKI-BALITA: Marcoleta sa pagtakbo niya bilang senador: 'Wala nang atrasan ito!'

Tatakbo naman si Robredo bilang alkalde ng Naga City.

MAKI-BALITA: Ex-VP Leni Robredo, tatakbong alkalde ng Naga City