October 22, 2024

Home SHOWBIZ

Awra, pinangalandakan buhay-kolehiyo: 'Here's to romanticizing uni life!'

Awra, pinangalandakan buhay-kolehiyo: 'Here's to romanticizing uni life!'
Photo courtesy: Awra Briguela (IG)

Todo-flex ang showbiz personality na si Awra Briguela sa kaniyang college life batay sa kaniyang Instagram posts at stories.

Makikita ang iba't ibang photo dump ni Awra habang nasa elevator ng kaniyang paaralan, at ang iba naman, ibinida niya ang kaniyang mga ginagawang requirements at pag-aaral.

"here’s to romanticizing uni life, late night study sessions, and endless cups of coffee. there’s definitely so much more to life," aniya sa kaniyang caption.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Bimby nagbiro kay Kris; di raw excited si P-Noy na maka-reunion siya sa langit

"Go girl!"

"Happy to see u change for the better. Enjoy univ life!"

"Nakakahappy naman na sinusubukan nang mas ayusin pa ni AWra ang life niya."

Kamakailan lamang ay naokray si Awra dahil sa pagsusuot niya ng female school uniform at sinita pa ang University of the East Manila branch dahil dito.

MAKI-BALITA: Awra Briguela, inawra pagbabalik-eskwela; umani ng reaksiyon sa netizens

Agad naman siyang ipinagtanggol ng student council at sinabi sa bashers na walang puwang sa kanila ang "gender discrimination."

MAKI-BALITA: UE Student Council, dinepensahan si Awra sa isyu ng female school uniform