November 05, 2024

Home SPORTS

Ato Barba, inaming mali pagkalog sa ulo ng hinimatay na teammate

Ato Barba, inaming mali pagkalog sa ulo ng hinimatay na teammate
Photo courtesy: screenshot from GMA News and NCAA Philippines/Facebook

Inamin ng cager ng Lyceum of the Philippines na si Ato Barba na tila mali ang kaniyang naging inisyal na reaksiyon at aksyon matapos mawalan ng malay sa kasagsagan ng kanilang laban sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang teammate na si JM Bravo nitong Sabado, Oktubre 19, 2024.

KAUGNAY NA BALITA: Basketball player ng Lyceum, nawalan ng malay matapos makabungguan isa pang player ng Arellano

Sa post-game interview, sinabi ni Barba na tila nag-panic lang umano siya dahil first time daw niyang makita na ganoon ang sitwasyon ni Bravo.

"Kanina talaga, as a brother, makita mo 'yung kapatid mo na ganoon, talagang magpapanic ka eh. Tsaka first time kong makita siyang tumitirik 'yung mata,” saad ni Barba sa media.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Matatandaang bumagsak at nawalan ng malay si Bravo sa kasagsagan ng laban ng LPU kontra Arellano nitong Sabado, matapos makabungguan ang isa pang basketball player ng Chiefs.

"Parang papikit na 'yung mata niya. Wala na 'yung itim ng mata niya eh, puting-puti na talaga. So, ako, nagpanic ako, talagang ginawa ko 'yung lahat para magising or marinig niya ako, dagdag pa ni Barba.

Ilang netizens kasi ang pumuna sa ginawa ni Barba na pag-alog sa balikat at ulunang bahagi ni Bravo sa pagnanais umano niya na magising ang teammate.

“If its trauma, the one who shook the head has aggravated the condition.”

“Bakit inaalog ang ulo??dapat nag hintay sila ng paramedics..di dapat ginagalaw ang ulo.”

“Inalog alog pa talaga hays”

“Hala bakit inalog po yung ulo. Next time huwag Ganon baka mas lalong may magalaw na delikadong part. Hoping that he will be fine.”

“Why would you shake the head Oh no!

“He shouldn’t have shaken him.”

Tila dumipensa naman si Barba at sinabing bagama’t alam niya raw na mali ang kaniyang naging tugon, ang nasa isip lamang daw niya ay matulungan ang teammate, tinawag niya ring “brother.”

“Pero ang dami nagsabi at alam ko namang mali 'yung ginawa ko kanina. Pero 'pag andoon na tayo sa sitwasyon na 'yon, di mo na maiisip 'yun eh, kase gusto mo lang tulungan 'yung brother mo eh,” saad ni Barba.

Samantala, inihayag naman ni NCAA Chair Hercules Callanta sa panayam sa media na nagkaroon na raw ng malay si Bravo at nag-negatibo rin sa CT scan.

KAUGNAY NA BALITA: LPU basketball player na nahimatay at bumulagta sa court, nagkamalay na!

Kate Garcia