October 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Quizmosa' ni Ogie Diaz, ginaya ng GMA Network?

'Quizmosa' ni Ogie Diaz, ginaya ng GMA Network?
Photo Courtesy: Screenshots from TV5 and TiktoClock (FB)

Binembang ni showbiz columnist Cristy Fermin ang panggagaya umano ng GMA Network sa titulo ng bagong game talk show ni showbiz insider Ogie Diaz sa TV5.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Oktubre 15, nagpatutsada si Cristy na tila kinukulang na umano ang network ng bagong salitang gagamitin para gawing titulo sa segment ng kanilang programa.

“Ano ba naman ito, mga Kapatid. Sadya po bang numipis na ang diksiyonaryo at kinulang na ba ng mga salitang gagamitin sa mga titulo at ang bagong show ni Ogie Diaz sa TV5 […] aba’y ginaya ng GMA 7,” saad ni Cristy.

Sey tuloy ng co-host niyang si Romel Chika: “Maganda ito! Talagang salpukan na naman ito ng mga network at mga programa.”

Tsika at Intriga

Heart Evangelista, nagsalita na sa 'hidwaan' nila ni Pia Wurtzbach

Pero ayon kay Cristy, nakarehistro na raw sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPO) ang titulo ng bagong programa ni Ogie.

“Sabagay, matutok naman ang mga ehekutibo ng TV5 sa ganyang mga usapin. Nakarehistro po sa IPO ‘yan,” aniya.

Sa Facebook post kasi ng TiktoClock nitong Lunes, Oktubre 14, ay inanunsiyo nila ang pinakabagong segment sa kanilang programa na pinamagatang “Quizmosa.”

Pero matatandaang bago pa man ito ay nauna nang ianunsiyo ni Ogie sa kaniyang showbiz-oriented vlog ang ilulunsad niyang programa sa TV5 na may kaparehong pamagat.

MAKI-BALITA: 'OGD!' Ogie Diaz, magkakaroon ng bagong show sa TV5

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon ang GMA tungkol dito.