January 03, 2025

Home BALITA National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.8 na lindol ang yumanig sa Surigao del Sur nitong Lunes ng gabi, Oktubre 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:21 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 5 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Tago, Surigao del Sur, na may lalim na 23 kilometro.

Itinaas ang Intensity II sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR. 

Naitala naman ang Instrumental Intensity I sa City of Tandag, Surigao del Sur.

National

DOH, nilinaw na hindi kumpirmado kumakalat na umano’y ‘international health concern’

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.