October 13, 2024

Home SHOWBIZ Events

The Corrs, magko-concert sa ‘Pinas sa Feb. 2025!

The Corrs, magko-concert sa ‘Pinas sa Feb. 2025!
Courtesy: The Corrs/FB

“I would run away with you…”

Inanunsyo ng Irish band na The Corrs na babalik sila sa Pilipinas para sa dalawang araw na concert sa susunod na taon.

Sa isang Facebook post nitong Linggo, Oktubre 13, ibinahagi ng The Corrs na gaganapin ang kanilang two-day concert sa Pebrero 15 hanggang 16 sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

“Manila! We're coming back! 2 Nights at the Araneta Coliseum February 15 & 16. With [heart],” caption ng The Corrs sa kanilang post.

Events

ASIYA Fest 2024, isinagawa; tampok ang ilang Pinoy artists

Magsisimula raw na maging sale ang tickets sa darating na Linggo, Oktubre 20, dakong 12:00 ng tanghali.

Ayon naman sa concert organizer ng banda na PULP Live World, nagkakahalaga ang ticket mula ₱3,500 para sa gen ad hanggang ₱22,500 para sa VVIP. 

“You can grab your tickets through TicketNet outlets nationwide and online at ticketnet.com.ph,” anang PULP Live World.

Kilala ang The Corrs sa kanilang hit songs, tulad ng “Runaway,” “All the Love in the World”, at “Breathless.”