October 13, 2024

Home SHOWBIZ

'Puwede magpalinis?' Netizens, bet samahang maglinis si Derrick Monasterio

'Puwede magpalinis?' Netizens, bet samahang maglinis si Derrick Monasterio
Photo courtesy: Derrick Monasterio (IG)

Naloka ang mga netizen sa ibinahaging mga larawan ng Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio habang hubad-baro at kitang-kita ang abs at bortang katawan.

Batay sa kaniyang caption ay naglilinis ng kuwarto niya si Derrick.

"General cleaning day (don’t judge)," mababasa sa caption ng kaniyang post.

Pati ang Kapuso actor-TV host na si Rayver Cruz ay napakomento. Aniya, "Ganon pala dapat bro!!"

Tsika at Intriga

Mommy Min, bet na bet daw si Alden para kay Kathryn?

Nagwala naman ang mga netizen at siyempre, marami ang gustong mag-aplay bilang helper ni Derrick, at ang iba, gustong dumihan ang mga sarili at magpalinis sa hunk actor, kaloka!

"Palinis din ng akin po"

"Haha general cleaning nga raw kasi..."

"Wow you are looking amazing!"

"Parang ang sarap magpalinis hahahaha"

"Sandali lamang ginoo… Magtitimpla lamang ng kape, yaman din lamang at mayroon ng pan de sal"

"Apply ako cleaner"

"TITIKMAN"

"Hala my baby"

Si Derrick, ay boyfriend ng Kapuso actress na si Elle Villanueva. Huling serye nila ang nagwakas na "Makiling" na napanood sa GMA Afternoon Prime.