May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kim Domingo, igagalang pa rin si Xian Gaza matapos siyang siraan

Kim Domingo, igagalang pa rin si Xian Gaza matapos siyang siraan
Photo Courtesy: Kim Domingo, Xian Gaza (FB)

Nagpaabot ng mensahe ang sexy actress na si Kim Domingo sa social media personality na si Xian Gaza matapos nitong maglabas ng malisyosong video patungkol sa kaniya.

Matatandaang batay sa video na ibinahagi ni Xian sa kaniyang social media account, makikitang may kausap na matabang lalaki si Kim habang magkahawak-kamay.

Hinala ng marami, kongresista mula sa Davao Occidental ang lalaki. Dahil dito, nakatanggap tuloy si Kim ng mga negatibong komento mula sa publiko.

Ngunit sa kabila nito, sinabi ng sexy actress na irerespeto pa rin daw niya si Xian matapos siya nitong siraan.

Aniya, “To Mr. Xian, wala akong galit sayo. Ikaw lang ang nakakaalam ng rason kung bakit mo yan ginagawa. Or kung bakit mo iyan kailangan gawin. Hindi ko sasabihin na sinungaling ka, hindi ko din sasabihin na nagsasabi ka ng totoo.” 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“Hindi ko din sasabihin na masamang tao ka,” pagpapatuloy ni Kim. “Bahala na ang mga tao ang humusga sa atin. Hindi din ako maghahangad sayo ng masama. Bagkus,  hinihiling ko na magkaroon ka ng peaceful life, more blessings at more happiness pa sa buhay mo.”

Dagdag pa ng sexy actress, “After ng lahat ng ito, respeto pa din po ang ibabalik ko sayo.”

Bukod dito, pinasalamatan din niya ang mga taong humusga at humila sa kaniya pababa na karamihan umano ay kapuwa babae pa niya.

“Maraming salamat pa din sa inyo. You are all forgiven. At gusto ko malaman nyo, kahit anong ipukol nyo sakin, nakayakap ang nasa itaas sakin,” saad ni Kim.

Samantala, ipinaliwanag din niya ang dahilan kung bakit isinapubliko lang niya ang kaniyang Thai boyfriend sa kalagitnaan ng kinasangkutan niyang kontorbersiya.

Paliwanag ni KIm, “[D]ahil may lumabas na balita tungkol sakin, napilitan ako na ilabas sya bilang respeto na din sakanya at sa pamilya nya at tingin ko na dapat malaman ninyong lahat na ang current partner ko po ay isang Thai national.”

Sa kasalukuyan, tatlong taon na silang magkarelasyon. 

Maki-Balita: Kim Domingo, nagsalita kung bakit ngayon lang nilantad ang jowa