October 13, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mommy Min, bet na bet daw si Alden para kay Kathryn?

Mommy Min, bet na bet daw si Alden para kay Kathryn?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Hindi napigilang mabigyan ng kahulugan ang pagpe-flex ni Min Bernardo, ina ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo, sa video kung saan naroon si Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, lumalabas daw na na tila botong-boto raw si Mommmy Min kay Alden.

“Parang gustong-gusto na talaga ni Mommy Min si Alden Richards para kay Kathryn Bernardo. Botong-botong yata si Mommy Min,” saad ni showbiz insider Ogie Diaz.

Sey naman ng co-host niyang si Mama Loi: “‘Yong pagpe-flex ni Mommy kay Alden…parang nagpa-practice nang maging daddy.”

Tsika at Intriga

Lapagan ng resibo: Sino kina Pia at Heart ang 'di invited sa Victoria's Secret Show?

MAKI-BALITA: 'May nanalo na!' Alden Richards, flinex ng ina ni Kathryn Bernardo

Matatandaang minsan na ring naitsika ni Ogie sa isang episode ng kaniyang showbiz-oriented na sa pagitan umano ni Jericho Rosales at Alden—na noo’y kapuwa napapabalitang nanliligaw umano kay Kathryn—mas bet daw ni Mommy Min ang huli para sa anak.

MAKI-BALITA: Alden mas bet ng pamilya ni Kathryn kaysa kay Jericho, bakit naman?

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag ang dalawa para pabulaanan o kumpirmahin ang naturang tsika maliban sa isang panayam ni Alden kung saan niya sinabi ang isang makahulugang “what you is what you get” nang tanungin siya tungkol sa namamagitan sa kanila ni Kathryn.

MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’