Napag-usapan sa "Ogie Diaz Showbiz Update" ang isyung nililigawan na raw ni Kapuso star Alden Richards si Kapamilya star Kathryn Bernardo, batay sa naitsika ng source ni Ogie Diaz.

Ayon pa raw sa source ni Ogie, sa pagitan ng dalawang bigating aktor na nali-link kay Kathryn, mas pabor daw ang pamilya ng aktres kay Alden kaysa kay Jericho.

Wala naman daw problema sa ugali ni Jericho, mabait naman daw ito, kaya lang, ikinokonsidera daw ang pagkakaroon na ng asawa ni Echo, kahit na hiwalay na sila ng misis na si Kim Jones.

Samantalang si Alden nga naman ay isang certified bachelor.

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

"Siyempre ang takot ng pamilya baka ma-second the motion si Kathryn if ever na dumating ang time na mag-on sila, and then mapagdesisyunan ng dalawa na let's call it a day... tapos gano'n na naman ang ending," ani Ogie.

"Masasaktan na naman si Kath," singit ni Mama Loi.

"Oo, kasi ang pamilya ni Kathryn parang ingat na ingat na silang masaktan muli ang puso ni Kathryn.

Sa kabila raw ng hiwalayan nito sa ex-boyfriend na si Daniel Padilla at pinoprotektahang huwag na ulit masaktan, hindi naman daw inaawat at pinangungunahan ng pamilya ang aktres na mahulog at magmahal ulit.

Mapunta naman kay Alden, matatandaang makahulugan ang naging sagot nito nang matanong kung nililigawan na ba niya si Kathryn dahil sa madalas na pagpunta nito sa mahahalagang okasyon sa buhay ng Kapamilya star.

"What you see is what you get," sabi ni Alden.

MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’

MAKI-BALITA: Alden Richards, nanliligaw na raw kay Kathryn Bernardo

Sa panig naman ni Echo, wala naman siyang nabanggit o nasabi na dumada-moves na siya kay Kathryn, bagama't bago si Alden ay nauna na siyang na-link sa aktres.

MAKI-BALITA: Iniintriga! Kathryn at Jericho nagja-jogging sa iisang area, magkasama ba?