Natawa na lamang si "It's Showtime" host Vhong Navarro nang magkamali sa pagbanggit ng pangalan ang co-host na si Vice Ganda, nang kapanayamin nila ang contestant sa segment na "Kalokalike."
Sumalang kasi sa segment ang "Denise Laurel" Kalokalike na tamang-tama naman dahil umupo bilang hurado ang original Denise Laurel.
Sa interview portion ng hosts, nagkamali ng pagkakabanggit ng pangalan si Vice Ganda na nagkataong kasama sa nagho-host si Vhong.
"How well do you know Deniece Cornejo?" tanong ni Vice Ganda na ikinagitla rin niya.
"Laurel ang pinag-uusapan," pabirong sey ni Vhong.
"Kuya Vhong yakapin mo ko sa harapan nilang lahat," pabirong bawi na lang ni Denise.
Matatandaang si Deniece ang nag-akusa ng panggagahasa kay Vhong noong 2014, at matapos ang halos isang dekada, napawalang-sala si Vhong at guilty naman sina Denice at Cedric Lee sa kasong serious illegal detention laban sa kanila.
MAKI-BALITA: BaliTanaw: Timeline ng mga nangyari sa kaso nina Vhong Navarro at Deniece Cornejo