October 23, 2024

Home SHOWBIZ

Ogie, tinalakan bashers sa uniporme ni Awra: 'Sa inyo ba kinuha pambili?'

Ogie, tinalakan bashers sa uniporme ni Awra: 'Sa inyo ba kinuha pambili?'
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Awra Briguela (IG)

Nagbigay ng pahayag ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa mga pumupuna sa school uniform ng komedyanteng si Awra Briguela sa University of the East (UE)

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Oktubre 11, pinangatwiranan ni Ogie ang pagsusuot ni Awra ng palda bilang uniporme nito sa nasabing unibersidad.

MAKI-BALITA: Awra Briguela, inawra pagbabalik-eskwela; umani ng reaksiyon sa netizens

“Kung ikaw man ay miyembro ng LGBTQ+ tapos ito ang gusto mong suutin, dito ka komportable, at dito mo nakikilala ang sarili mo, e ‘di go ahead!” saad ni Ogie.

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

“Ang sa akin lang, ‘yong uniform pinayagan si Awra, na-excite si Awra, ginaganahan sa pag-aaral si Awra, e ‘di ibigay natin ‘yon,” wika niya.

Dagdag pa ng showbiz insider: “Ang katwiran ko: Bakit? Sa inyo ba kinuha ‘yong pambili ng palda ni Awra? Hindi naman, ‘di ba?”

Matatandaang nauna nang maglabas ng pahayag ang UE bilang pagpapakita ng suporta kay Awra laban sa gender discrimination dahil sa pagsusuot nito ng palda bilang uniform.

MAKI-BALITA: UE Student Council, dinepensahan si Awra sa isyu ng female school uniform

Kaya naman, naghayag si Ogie ng paghanga sa nasabing unibersidad sa pamamagitan ng inilabas nitong pahayag upang depensahan si Awra sa mga pambabatikos.

“Tinatanggap nila kung ano ‘yong pagkatao mo, kung anong gender ang gusto mo, kung saan ka komportable isuot mo. For as long as hindi ka lilikha ng gulo,” aniya.