October 12, 2024

Home SHOWBIZ

'OGD!' Ogie Diaz, magkakaroon ng bagong show sa TV5

'OGD!' Ogie Diaz, magkakaroon ng bagong show sa TV5
Photo Courtesy: Screenshot from TV5 (FB)

Opisyal nang inanunsiyo ng showbiz insider na si Ogie Diaz na magkakaroon umano siya ng isang bagong game talk show sa TV5.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Oktubre 11, ibinahagi ni Ogie ang ilang detalye kaugnay sa nasabing game talk show.

“Tayo po ay magkakaroon po ng bagong show. This time, hindi po sa ABS-CBN kundi sa TV5. ‘Yan ang aming bagong game talk show. Ibig sabihin, talk show na game show pa,” saad ni Ogie.

“Actually, itong show na ito ay created by Enrico Santos. At nakakatuwa dahil game show ito kung saan syempre mananalo ka ng mga cash prizes. [...] Ang title nga nito, QuizMosa,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Zephanie Dimaranan, may nilinaw sa naging relasyon nila ni Michael Sager

Dagdag pa niya: “Ang importante dito, madagdagan ‘yong mga napapanood nating entertainment, hindi ba? At the same time, nananalo pa kayo.”

Magsisimula umano ang nasabing show sa darating na Oktubre 21 pagkatapos ng Eat Bulaga, 2: 30 pm.

Bukod kina Tita Jegs at Tonton Soriano, may mga male co-host din umanong makakasama rito si Ogie.