October 11, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sue Ramirez, hiwalay na raw sa jowang mayor?

Sue Ramirez, hiwalay na raw sa jowang mayor?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Nabahiran ng intriga ang relasyon ni Kapamilya actress Sue Ramirez sa sa jowa niyang si Victorias City Mayor Javi Benitez.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Oktubre 10, ibinahagi ni Mama Loi ang ilang napansin ng netizens sa social media accounts ng mag-jowa.

“Kasi nga medyo 2 months na raw na parang walang mga post together itong si Mayor saka Inday Sue,” tsika ni Mama Loi.

Dagdag pa niya: “Saka nakita ko pa ‘yong isang post ni Inday Sue na ang kasama niyang nagbakasyon [at] nag-out-of-town e friends niya, hindi rin si Mayor.”

Tsika at Intriga

'Nakakaloka!' Diether Ocampo, may maselang video rin?

Kaya usisa ni Mama Loi kay showbiz insider Ogie Diaz: “Anong alam mo diyan, Nay?”

“Ang pagkakaalam ko talaga e split na sila. ‘Yon ang pagkakaalam ko,” tugon ni Ogie.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag sina Javi at Sue upang kumpirmahin o pabulaanan ang nasabing tsika.

Matatandaang nagpaabot pa ng sweet anniversary message si Sue kay Javi noong Setyembre 2023 sa pamamagitan ng isang Instagram post.

MAKI-BALITA: Sue Ramirez kay Javi Benitez: ‘I’m a lucky one!'

Samantala, ang huli namang post nila nang magkasama ay noong huling araw ng Disyembre 2023.