October 11, 2024

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, pag-aaralan pa kung iboboto si Willie Revillame

Ogie Diaz, pag-aaralan pa kung iboboto si Willie Revillame
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Tila hindi pa tiyak kung makakakuha ng boto si “Wil To Win” host Willie Revillame mula kay showbiz insider Ogie Diaz.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Oktubre 10, inusisa si Ogie ng co-host niyang si Mama Loi.

“Iboboto mo ba si Kuya Wil?” tanong ni Mama Loi.

“Wala pa naman ‘yong eleksyon. [...] Pwede kong pag-aralan. Kaso galit siya sa akin.” tugon ni Ogie.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Hirit naman ni Chad Kinis: “Pero hindi naman doon nasusukat ang pagboto. Kung galit sa ‘yo o hindi, malay mo naman ‘di ba.”

Sinang-ayunan naman ito ni Ogie at nilinaw na hindi raw siya galit sa host ng “Wil To Win.”

“Siyempre sa ngayon, hindi pa natin nararamdaman kasi next year pa naman ‘yong eleksyon,” aniya.

Matatandaang naintriga ang mga netizen sa isang pahayag ni Willie kung si Ogie raw ba ang pinatutungkulan nito na pumupuna umano sa naging technical problem sa launching ng ALLTV. 

Sa nag-trending na Facebook post daw kasi ni Ogie ay napabungisngis ang showbiz insider nang mapanood ang production number ni Toni Gonzaga sa launch ng nasabing network.

MAKI-BALITA: Willie nag-file ng COC, ibinunyag nag-udyok para tumakbong senador