October 11, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Nakakaloka!' Diether Ocampo, may maselang video rin?

'Nakakaloka!' Diether Ocampo, may maselang video rin?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Hindi pa man natatagalan simula nang lumutang na maselang video ni Troy Montero ay may bago raw ulit video scandal na kumakalat.

Sa latest episode ng “Showbiz Update” nitong Huwebes, Oktubre 10, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz na pati umano si Diether Ocampo ay may maselan ding video.

“Diyos ko, pagkatapos ni Mark Anthony Fernandez, pagkatapos ni Troy Montero, mayroon naman daw video scandal itong si Diether Ocampo. Nakakaloka!” saad ni Ogie.

Ayon sa mga nakapagbulong umano kay Ogie, parang artificial intelligence umano ang nasabing video bagama’t hindi pa raw naman niya talaga ito nakikita.

Tsika at Intriga

Sue Ramirez, hiwalay na raw sa jowang mayor?

“Gusto ko ngang makita kung talagang siya. Kasi may nag-describe sa akin, e, dating-dati pa. Titingnan ko kung gano’n din ‘yong makikita ko do’n,” aniya.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Diether kaugnay sa nasabing video scandal. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.

MAKI-BALITA: Kumpirmado: Troy Montero, may kumalat ngang maselang video

MAKI-BALITA: Mark Anthony Fernandez, may kumakalat na maselang video?