October 11, 2024

Home SHOWBIZ

Kokoy De Santos, lahat gagawin para sa pag-ibig

Kokoy De Santos, lahat gagawin para sa pag-ibig
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT)

Ibinahagi ng Kapuso actor Kokoy De Santos ang pinakakinatatakutan daw niya kapag siya ay umiibig.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, Oktubre 10, sinabi ni Kokoy na natatakot daw siyang mawalan para sa sarili.

“Ang unang pumasok, Tito Boy, sa isip ko ngayon, takot ako na mawala ulit ‘yong para sa sa sarili ko, para sa pamilya ko,” saad ni Kokoy.

“May gano’n akong something na ‘pag nando’n kasi ako sa moment na ‘yon—ewan ko kung ako lang ‘to o marami naman sigurong nakaka-relate—na parang ‘in love ako, e. Gustong-gusto ko ‘to. Lahat gagawin ko. Iwan lahat,’” wika niya.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Dagdag pa ng Kapuso actor: “So, may gano’n ako, Tito Boy. Hindi ko naman sinasabi na kayang-kaya ko na. Pero nando’n pa rin ang takot na ‘yon.

Matatandaang kamakailan lang ay tila naglabas ng sentimyento si Kokoy sa kababaihan na aniya’y hindi umano niya kailangan dahil sakit lamang sa ulo.

MAKI-BALITA: Mga babae, sakit ng ulo kaya 'di niya kailangan sey ni Kokoy De Santos