Inanunsyo na ni Senador Risa Hontiveros ang petsa kung kailan gaganapin ang pagdinig ng Senado hinggil sa mga isyung iniuugnay kay Pastor Apollo Quiboloy.
Sa isang press conference nitong Huwebes, Oktubre 10, sinabi ni Hontiveros na nakatakdang ituloy ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang pagdinig sa Oktubre 23, 2024.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) si Quiboloy matapos siyang maaresto ng mga awtoridad noong Setyembre 8, 2024 pagkatapos ng mahigit dalawang linggong paghahanap sa kaniya sa compound ng KOJC.
Nahaharap si Quiboloy at mga kapwa niya akusado sa kasong “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003” sa RTC, dahil sa umano’y pang-aabusong ginawa nila sa isang 17-anyos na babae noong 2011. Kinasuhan din sila sa Quezon City RTC para sa iba pa umanong kaso ng child abuse” sa ilalim ng “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.”
MAKI-BALITA: TIMELINE: Pastor Apollo Quiboloy saga
Samantala, matatandaang noong Martes, Oktubre 8, nang maghain si Quiboloy ng kaniyang kandidatura sa pagkasenador sa pamamagitan ng kaniyang abogadong si Atty. Mark Tolentino.
MAKI-BALITA: Hontiveros sa pagkandidato ni Quiboloy: 'Magkaroon naman kayo ng kaunting hiya'