October 09, 2024

Home BALITA

Mangingisda, patay matapos bumara sa lalamunan ang buhay na isda

Mangingisda, patay matapos bumara sa lalamunan ang buhay na isda

Isang 23-anyos sa Olango Island Cebu ang nasawi matapos aksidenteng bumara ang isang buhay na isda sa kaniyang lalamunan.

Sa panayam ng local media sa live-in partner ng biktima, kinagat umano ng biktima ang ulo ng isda nang bigla itong nagpumiglas at dumiretso sa kaniyang lalamunan.

Hindi tukoy ang laki at klase ng nasabing isda na umano’y nagdire-diretso sa lalamunan ng biktima.

Samantala, ayon naman sa ulat ng ina ng biktima sa Talima Police Station, ang ama ng live-in partner ng biktima ang magkasama nang mangyari ang naturang aksidente. Nakahingi pa raw ng tulong ang kaniyang anak sa pamamagitan ng pagturo umano sa kaniyang lalamunan.

Eleksyon

Willie, makikipag-away din daw sa senado: 'Para sa mahihirap!'

Agad umanong isinugod ang biktima sa ospital, ngunit idineklara na siyang dead on arrival.

Kate Garcia