October 07, 2024

Home SPORTS

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?
Photo courtesy: Screenshot from WWE (X)

Niyanig ni wrestler-actor Dwayne “The Rock” Johnson, hindi lamang ang arena ngunit pati ang online world matapos siyang magpakita muli sa World Wrestling Entertainment (WWE) noong Linggo, Oktubre 6, 2024.

Pansamantalang naudlot ang selebrasyon nina Roman Reigns at Cody Rhodes nang umalingawngaw sa buong arena ang theme song ni The Rock na sinundan niya ng paglabas sa backstage bitbit ang kaniyang championship belt.

Maraming WWE fans tuloy ang umaasa sa muling pagtapak ni The Rock sa wrestling ring matapos ang ilang buwan at tila madalang niyang pagpapakita sa wrestlemania. Ito ay matapos niyang sorpresahin ang fans matapos niyang magpakita sa Blood Bad event.

Sa paglabas ni The Rock, tiningnan niya si Reigns at tila sumenyas at itinuro ang sarili, animo’y indikasyon umano na siya pa rin ang nananatiling kampeon ng wrestlemania.

‘Hindi na raw tungkol sa basketball;’ Coaching staff ng La Salle, UP, nagkaduruan!

Matatandaang walong beses ibinulsa ni The Rock ang WWE Championship belt sa kasagsagan ng kaniyang karera sa wrestlemania, minsan in siyang naging kampeon sa Royal Rumble noong 2000 at itinanghal na ikaanim na wrestler na naging “Triple Crown Champion” sa kasaysayan ng WWE.

Kate Garcia