May 10, 2026

Home BALITA Politics

Hanash ni Congressmeow: Sen. Bato, next target daw?

Hanash ni Congressmeow: Sen. Bato, next target daw?
Photo courtesy: MB file photo

Iginiit ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga na tila inuuna umano ng pamahalaan ang mga kasong may kaugnayan sa International Criminal Court (ICC) kaysa sa isyu ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Sa Facebook post ni Barzaga noong Sabado, Mayo 9, 2026, tahasan niyang iginiit na tila si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na raw ang susunod na target.

“Ngayon target naman niya si Bato, sino ang susunod na ipapakulong ni Marcos? Si Senator Marcoleta? Si Senator Bong Go? Wala pa ring nakukulong dahil sa Flood Control Scandal dahil ’yan ang inuuna niya,” giit ni Barzaga.

Ang pahayag ay inilabas kasunod ng mga ulat at espekulasyon tungkol sa umano’y posibleng arrest warrant ng ICC laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng imbestigasyon sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Matatandaang noong Sabado rin, nang biglang pumutok sa mga balita ang nakamaaba na raw na arrest warrant laban sa senador, hinggil sa pagkakasangkot niya sa madugong kampnya kontra droga ni dating Pangulong Duterte.

Politics

'I'm not a DDS, but a Duterte supporter'—political strategist Malou Tiquia

Samantala, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na wala pa silang natatanggap na warrant of arrest mula sa ICC kaya nananatiling "hearsay" lang ito. 

Si dela Rosa ay nagsilbing hepe ng Philippine National Police sa panahon ng kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte. Nauna nang inaresto at dinala sa The Hague si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity na isinampa sa ICC dahil sa madugong war on drugs.

Maki-Balita: ALAMIN: Kinalaman ni Sen. Bato bilang 'co-perpetrator' ni FPRRD sa war on drugs!

Wala pang tugon ang Malacañang sa naging pahayag ni Barzaga hinggil sa umano’y prayoridad ng administrasyon sa usapin ng ICC at flood control scandal.