November 05, 2024

Home FEATURES Lifehacks

National Mental Health Week, ginugunita tuwing Oktubre; malusog na kaisipan, paano aalagaan?

National Mental Health Week, ginugunita tuwing Oktubre; malusog na kaisipan, paano aalagaan?
Photo courtesy: DSWD (FB)

Simula noong ipinalabas ang Proklamasyon No. 452 noong Agosto 25, 1994, idineklara ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na tuwing ikalawang linggo ng Oktubre ay ipagdiriwang ang National Mental Health Week sa Pilipinas.

Ang hakbang na ito ay kasabay ng pandaigdigang selebrasyon ng World Mental Health Day, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mental health awareness sa buong mundo.

Bago ang nasabing pagbabago, ipinagdiriwang ang National Mental Health Week tuwing ikatlong linggo ng Enero alinsunod sa Proklamasyon No. 432 noong 1957.

Ngunit dahil sa mas aktibong internasyonal na komunikasyon at kooperasyon, mas napapanahon ang paglipat ng selebrasyon upang makasabay sa World Mental Health Day, na idinaraos tuwing Oktubre.

Lifehacks

Bula ng kape, puwedeng gawing batayan kung may bagyo?

“A synchronized worldwide celebration will get more public attention and support for mental health work; and WHEREAS, it has become expedient to be more in accord with the celebration of the World Mental Health Day to change the date of celebration of the National Mental Health Week,” ayon kay Pangulong Ramos.

Kasabay ng pagdiriwang ng National Mental Health Week, ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suporta nito sa mental health awareness sa pamamagitan ng Wireless Mental Health and Psychosocial Support o WiSupport Program, na ngayon ay bukas na sa lahat ng rehiyon.

"Kailangan mo ng kausap? Nandito kami para sa'yo!"

Ang WiSupport program ay nagbibigay ng suporta sa mental health concerns ng publiko sa pamamagitan ng email at contact numbers na bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m., maliban sa holidays.

"We listen, We Care, WiSUPPORT."

Mensahe ng WiSupport, “Pangalagaan ang IYONG kalusugang pangkaisipan. Hali na at mag-usap tayo dahil sa DSWD.”

Ayon sa World Health Organization at National Institute of Mental Health, narito ang ilang simpleng paraan kung paano maaalagaan ang malusog na mental health:

1. Maghanap ng Makakausap

Ang pakikipag-usap sa isang mapagkakatiwalaang kaibigan, kapamilya, o propesyonal ay nakatutulong na maglabas ng mabibigat na damdamin. Ayon kay Dr. Glenda Basubas, isang eksperto sa psychiatry, "Ang simpleng pagkakaroon ng kausap ay maaaring magbigay ng ginhawa at makatulong sa pagproseso ng mga emosyon."

2. Magpahinga

Bigyan ang iyong sarili ng oras na makapag-relax mula sa trabaho o mga alalahanin. Ang kahit maikling pahinga ay nagbibigay ng pagkakataon sa utak na makapag-recharge. Sinabi ng mga eksperto mula sa World Health Organization na ang sapat na pahinga ay mahalaga para maiwasan ang burnout.

3. Kumain nang Masustansya

Ang tamang pagkain ay may epekto rin sa mental health. Ipinapayo ng mga nutrisyunista na ang balanseng pagkain, tulad ng prutas, gulay, at whole grains, ay nakatutulong sa pag-regulate ng mood.

4. Mag-ehersisyo

Kahit ang simpleng paglalakad ay may malaking epekto sa pagpapababa ng stress. Ayon sa American Psychological Association, ang regular na ehersisyo ay nagpapataas ng mga “feel-good” chemicals sa utak tulad ng serotonin.

5. Magkaroon ng “Me Time”

Huwag kalimutang bigyan ang iyong sarili ng oras para sa mga bagay na nagbibigay saya at aliw, tulad ng pagbabasa, panonood ng paboritong palabas, o paggawa ng hobby.

Mariah Ang